Abante Tonite Interactive

Import susi sa SMB grand slam – Austria

360

Lahat ng coaches sa Philippine Basketball Association, aasinta ng grand slam kung may pagkakataon – tatlong championship sa isang season.

Walang pinagkaiba si Leo Austria, katatapos lang manduhan ang San Miguel Beer sa titulo ng Commissioner’s Cup. Tinalo ng Beer ang TNT KaTropa sa anim na laro, huli via 102-90 win nitong Biyernes.

Lowest-seeded team ang San Miguel (No. 7) na nagkampeon nang kalusin ang No. 1 team TNT.

Idagdag ang naunang korona ng season-opening Philippine Cup nitong Mayo, puro na ang SMB sa ‘slam. Makukumpleto ‘yun kapag napagharian din ang import-laced Go­vernors Cup. Siklab ang season-ending tournament sa Sept. 20.

Ambisyon din ni Austria ang slam, pero aminado ang eigth-time champion coach na mahirap.

Sariwa pa kay Austria ang nangyari sa kanila noong 2016-2017 nang lumapit din sa ‘slam.

Kinubra ng Beermen ang unang dalawang torneo, pero nadiskaril sa Governors Cup. Na­ngapa sila kay original import Terick Bridgeman bago pinalit si Terrence Watson.

“You can never know,” punto ni Austria. “Hit or miss, karaniwan sa import and talagang sa actual games magkakaalaman.”

Sa susunod na conference ay nakapako sa 6-foot-5 ang ceiling ng imports.

May laban ang SMB kung may makukuha silang babagay sa laro nina June Mar Fajardo, Christian Standhardinger, Alex Cabagnot, Chris Ross, Terrence Romeo at inaasahang makakabalik na mula knee injury na si Marcio Lassiter.

(Vladi Eduarte)