Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Imported pork delikado sa COVID, ASF

0 212

Nababahala ang isang grupo sa industriya ng agrikultura na maaaring makadagdag pa sa pagkalat ng COVID-19 at ng African Swine Fever (ASF) sa bansa ang mga imported pork na sinusulong ng Department of Agriculture (DA).

Sabi ng Samahang Industriya ng Agrikultura (SINAG), inamin ng DA na wala itong ginagawang COVID-19 test sa mga frozen pork at hirap din umano ang kagawaran na suriin ang mga inaangkat na karne na labag sa Food Safety Law ng bansa.

“Tapos ngayon ay pinapakalat ng DA ang mga frozen imported pork sa palengke ng ganun-ganun na lang,” sabi ni SINAG chair Rosendo So.

SM food to go Banner Ad

“Talagang ang Department of Agriculture pa ang gumagawa ng paraan sa pagkalat hindi lang ng ASF kundi pati COVID-19. Hindi na nga nakatulong sa hog industry, ngayon ay magpapakalat ng kapamahakan sa ASF at COVID-19 sa bansa,” ayon kay So.

Nakatanggap aniya ang SINAG ng ulat mula sa kanilang mga miyembro na binebenta na ang imported frozen pork sa mga palengke at duda ang grupo kung nasuri na ang mga ito.

“May certificate ba ang mga pork import na ito na sila ay ASF and COVID-free? How were they tested? Saan ang quarantine results to prove they have been tested,” dagdag ni So. (Eileen Mencias)

Leave A Reply

Your email address will not be published.