Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Imported pork ‘nilalangaw’ sa merkado

0 180

Aminado ang Department of Agriculture na ‘nilalangaw’ ang imported pork dahil mas gusto pa rin ng mga Pinoy ang sariwang katay na baboy.

Sabi ni DA Undersecretary William Medrano, tumataas ang presyo ng baboy sa mga palengke at pinag-aaralan ng kagawaran kung ano ang maaaring gawin dito.

Ayon sa datos ng National Meat Inspection Service, may 81,416.95 toneladang imported pork ang nasa cold storage nu’ng Oktubre 25 at 29,163 sa cold storage sa National Capital Region. Nasa 23,315 tonelada sa Central Luzon at 21,711.8 tonelada naman sa Calabarzon.

6,316.87 tonelada naman ang nasa mga cold storage sa Central Visayas .

SM SuperKidsDay Banner Ad

“Inaanalisa namin­ kung bakit tumaas dahil mura ‘yung imported pork,” sabi ni Medrano.

Dagdag niya, ma­rami ang suplay ng baboy kaya’t tinawagan ng kagawaran ang mga importer kung bakit marami pa rin ang imbentaryo.

“Parati nilang sinasabi na matumal pa. Baka din bumaba ang purchasing power ng consuming public,” sabi ni Medrano. (Eileen Mencias)

Leave A Reply

Your email address will not be published.