Abante Tonite Interactive

In Sung ‘di kuntento sa half million heart

By
0 248

tonite-annyeong-rose-garciaIn good spirit ang South Korean actor na si Jo In Sung nang mag-V Live ito sa programang ‘Actor & Chatter’ para mag-promote ng kanyang bagong pelikula, ang ‘The Great Battle’ na dating title ay Ansi City.

Hirit ito ng hirit ng mga jokes habang ini-interview nang live.

Ipinakilala ng host na si MC Park Kyung Lim ang actor na “Sung Joo in ‘The Great Battle’ and the main lead of South Korean women, Jo In Sung.”

Abante Hiring – IT dep

Nagbibirong sinagot naman ito ng guwapong Korean actor ng, “Didn’t I help ‘Actor & Chatter’ grow? I think I’m going to have to give myself some credit. In the past, I had to crawl up here.”

Non-stop ang mga hirit ng jokes ni In Sung nang malaman na nakaka-half million hearts na ang guesting niya, sinabi nitong hindi pa raw enough ‘yun at dapat maka-2 million. Tatawagan daw niya ang isang member ng boy group na EXO para tulungan siyang maka-2 million hearts.

Anyway, ang South Korean actress na si Park Bo Young na huling nag-guest sa Actor & Chatter ay nag-iwan ng video recording ng tanong nito kay In Sung.

Tinanong niya si In Sung na, “If you were to produce a movie with your own money, would you be the lead?”

Mabilis na sinagot naman ito ni In Sung na, “I’ll choose you, Bo Young, as the female lead. We’ve never worked together, but we’re personally close. Don’t accept a gua­rantee and I’ll give you a running guarantee instead. The film will do well.”

Ang ‘running guarantee’ ay kabayaran na ginagawa base sa box office profits ng pelikula kesa pre-determined amount na nakasaad sa kontrata.

Ayon pa kay In Sung, “Lee Kwang Soo would be a bit weird right? D.O.? Kim Woo Bin is a bit sick, so…Bo Young, if you become the female lead, I’ll play the male lead.”

Si Park Bo Young ang bidang babae sa K-drama na Strong Woman Bong-Soon.

Sa huli, tinanong din si In Sung kung wala ba sa plano nito ngayon ang pasukin din ang directing o producing, pero sey niya, “Right now, I’m busy with just acting. I’ll do those kinds of things later.”