Abante Tonite Interactive

Ina Feleo, super-happy sa LDR

By
GIACOMO & INA
31

ITALYANO rin ang boyfriend ni Ina Feleo, katulad ni Eugene ­Domingo.

Kung si Uge ay sa Udine nakilala ang kanyang nobyo na si Danilo Bottoni, si Ina ay sa Venezia nakilala ang kanyang Italian amore.

Two years ago ay nagbakasyon si Ina sa Italy kasama ang kanyang inang si Laurice Guillen at nakatatandang kapatid na si Ana Feleo.

Abante Hiring – IT dep

Nang magpunta sila ng Venice ay doon niya na-meet ang hunky­licious na si Giacomo Gervasutti na isang pure Venetian.

33-anyos si Giacomo na gumagawa ng special tours para sa mga turista sa Venezia at meron din itong shop sa Piazza San Marco na nagbebenta ng photos na kuha nito sa Venice.

“Two years ago kami nag-meet, pero nagsimula lang kaming mag-email sa isa’t isa last year at du’n nagsimula.

“Nagulat ako na he was really serious pala about coming to the ­Philippines.

“So, ‘yun. Nu’ng winter sa kanila, pumunta siya rito. We went to Boracay, Sagada and Palawan.

“Super na-in love siya sa Pilipinas! Babalik ulit siya this year!” masayang bulalas ni Ina, na gumaganap bilang si Catalina Vasquez-Rosales, ang scheming at ambisyosang tiyahin ni Alden Richards sa Destined To Be Yours.

Bumalik na ng Italy si Giacomo, pero kinikilig si Ina nang sabihin niyang so far, so good ang kanilang LDR (long-distance relationship).

“I’m super happy and surprised at how easy it feels. Kasi dati, takot ako makipag-date sa foreig­ner. Feeling ko, baka ‘di kami magkaintindihan.

“Pero hindi naman pala ganu’n. I like him because he’s super supportive of me.

“And if you know me well, you know that I’m the kind of person who needs support,” pag-amin ng Kapuso actress.

“Kahit tapang-tapangan ako, medyo weak at sensitive talaga ako, sa totoo lang.

“Giacomo inspires me to be better and have more confidence in myself. And I think that’s important.

“Actually, si Giac ‘yung nag-suggest na name ko ang ilagay ko sa apparel business ko.

“I think it’s also how I want to brand myself now apart from my brand as a character actress.

“Gusto ko rin yon na off-cam, may ganun pang extra something about me.”

***

Ang tinutukoy ni Ina ay ang first business venture niya na tinawag niyang INA Activewear.

Brilliant idea ang negosyo ni Ina dahil kung gaano siya ka-intense bilang isang aktres ay ganu’n din siya ka-intense pagdating sa pagwu-workout.

Kaya laging beach-ready ang katawan ni Ina, na madalas niyang ibilad sa mga pa-bikini niya sa beach.

Sey ng 30-anyos na aktres, ang INA Activewear ay para sa mga mahihilig mag-workout na katulad niya.

Aniya, sa sobrang hilig niyang mag-workout ay ang dami na niyang nagastos sa gym wear na hindi lahat ay naging okey.

So, naisip niyang gumawa ng sarili niyang line na masisiguro niyang maganda ang quality at fashionable.

Solo ni Ina ang nasabing business, na gusto niyang maging holistic ang approach, na habang nagbebenta siya ng active apparel ay nang-een­ganyo o nang-iinspire din siya ng mga tao to get into a healthier lifestyle.

Meron ding sariling fitness apparel business si Diana Zubiri-Smith. Bilib si Ina kay Diana dahil ang laki-laki na ng negosyo nito ngayon.

Sa Mayo pa magiging operational ang INA Activewear, pero nag-start na siyang tumanggap ng preorders na may 10% discount as introductory promo.

Online lang muna ito, na ang mga interesado ay puwedeng i-check ang Instagram at Facebook account ng INA Activewear for their orders.