Abante Tonite Interactive

INA game magpapawis kahit saan

448

Hindi nagpapaawat si Ina Feleo sa pagpapa-sexy sa Instagram.

Hindi man kasing sikat ng ibang mga bikini actress si Ina, pero lumalabas sa paangasan ang kanyang kaseksihan.

Makikita naman ang ebidensya sa porma ng kanyang pigura. Batak ito sa disiplina at workout.

Sa totoo, hindi lang ang intensyon ni Ina ay ipangalandakan ang kanyang beautiful body sa netizen at ipagyabang ito.

Sa mga nakasubaybay sa IG account niya, malalaman na mas madalas na mag-post si Ina ng kanyang workout routine.

Mapapanood ang video niya na kahit saan ay nagwu-workout siya.

Kung tutuusin, ibinabahagi ng charac-ter actress ang kanyang workout program para gayahin siya ng kanyang mga follower.

Sinasabi nito sa kanyang mga post na hindi excuse na ‘pag wala ka sa gym, hindi ka na magwu-workout. Kahit saan ay puwede kang mag-exercise sa pamamagitan lang ng ibang techniques na hindi kinakailangan ang dumb bells.

Ipinu-post ni Ina ang kanyang bikini body, para ipakita sa kanyang mga follower na ganitong pigura ang makukuha nila kung magwu-workout sila at kumakain ng mga healthy foods.

Mabalasik ang angas ng kaseksihan ng anak ni Direk Laurice Guillen. Puwede siyang tawaging “Workout Babe.” (Rey P­­u­maloy)