Abante Tonite Interactive

Ina, lider ng barangay pinatay

By
5

Palaisipan sa pamilya at sa mga awtoridad ang ginawang pamamaslang sa isang ina ng tahanan at masipag na barangay staff ng tatlong hindi pa kila­lang mga armadong kalalakihan sa Quezon City, kamakalawa ng gabi.

Sa report na isinumite kay QCPD Director Sr./Supt. Guillermo Lorenzo Eleazar, ng Criminal Investigation and Detection Unit (CIDU), nakilala ang biktima na si Elyzabeth Rabe y Layda, 48, may-asawa, lider ng Community Service Brigade at naninirahan sa No. 33 Gumamela St., Brgy. Payatas-A, ng nasabing lungsod.

Sa initial na imbestigasyon ni PO3 Marvin Masangkay, sinabi ng biktimang si Queenelyn na nangyari ang krimen dakong alas-10:30 ng gabi ng sapilitang pumasok sa kanilang bahay ang mga suspek na nakatakip ang mga mukha ng panyo habang ang isang armado ng M-16 armalite ay nagsilbing look-out.

Nang makita umano ng biktima ang dalawang suspek ay nagtatakbo ito papasok ng kuwarto at nagkulong pero pinwersa umano itong buksan at saka binistay ng bala ang ginang.