Abante Tonite Interactive

Ina may papuwet

0 1,806

tonite-pak-allan-diones
May slight papuwet si Ina Feleo sa TOFARM Filmfest 2018 entry na ‘Alimuom’.

Ang tsika sa amin ng direktor ng nasabing futuristic, sci-fi movie na si Keith Sicat, may ka-LDR ang karakter ni Ina na taga-ibang planeta at may eksenang tila nag-virtual sex sila ng dyowa niya.

At bilang sobrang hi-tech na ang mundo, may mga kinakabit na something sa spinal cord nila para maramdaman ang virtual rea­lity sexual keme.

Pumayag si Ina at hindi raw siya nag-inarte sa slight pa-skin scene na ‘yon sa ‘Ali­muom’.

Actually, sa ginagawa niyang part 2 ng ‘OTJ’ movie starring Dennis Trillo ay may intense rape scene daw si Ina. First time niya ‘yon na may pahubad siyang gano’n sa pelikula.

“Naramdaman ko kasi na parang it’s time. Para ma-push ko rin ‘yung sarili ko na medyo lumabas ng comfort zone. Parang naiinip na rin kasi ako sa nangyayari sa career ko,” napapangiting bulalas ng two-time Cinemalaya Best Actress.

Ang Mommy Laurice Guillen pa raw ni Ina ‘yung medyo nag-aalangan sa maseselang eksena na gano’n, pero kung kaya niyang gawin ay suportado rin siya ng kanyang madir na premya­dong aktres at direktor.

Hindi pa sure ni Ina kung hanggang saan ang pahubad na ipagagawa sa kanya ni Direk Erik Matti du’n sa ‘OTJ 2’ dahil hindi pa raw sarado ‘yung eksena.

32-anyos na ang Kapuso actress at very comfortable si Ina sa body niya dahil sa kanyang active and healthy lifestyle.

Madalas ay may mga pa-bikini si Ina ‘pag nasa beach siya. May swimming pool din sila sa house, so may mga pa-two-piece din siya ‘pag nagsu-swimming sa likod-bahay.

May karapatang mag-display ng katawan si Ina dahil ang sexy niya at confident siya in her own skin.

First time mag-sci-fi genre ni Ina at in fairness ay nag-enjoy raw siya sa ‘Ali­muom’, na ang kuwento ay bawal na ang farming at nakatira ang mga Pinoy sa isang bio dome dahil toxic na ang mundo.

Isang university professor at scientist ang role ni Ina, na challenge sa kanya dahil sanay siya sa dramahan at sa ma-feelings na aktingan.

Pero kinilig siya dahil na-miss niyang mag-lead ulit sa pelikula.

Mapapanood ang ‘Alimuom’ at ang lima pang entries sa 3rd TOFARM Filmfest (September 12-18) sa TriNoma, Gateway, SM Megamall, SM Manila, Greenbelt 1, Robinsons Galleria, Robinsons Legaspi, Robinsons Naga at Gaisano Davao.