Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Ina nagbilin sa panganay bago magbigti

0 300

“Huwag mong pababayaan ang iyong mga kapatid, lalo na ang daddy mo.”

Ito ang huling habilin ng isang ina sa panganay niyang anak ilang oras bago siya nagpatiwakal.

Dakong alas-2:45 ng madaling-araw, nagimbal ang isang 39-anyos na lalaki nang tumambad sa kanyang paningin ang nakabigti niyang live-in partner, 35-anyos, sa kusina ng kanilang bahay sa Malabon City.

Kuwento ng lalaki, nagising siya at napansing wala sa tabi ang kinakasama kaya bumangon siya para uminom ng tubig.

Subalit laking gulat niya nang makita ang partner na nakabigti sa kisame kaya kaagad niyang pinutol ang lubid at dinala sa ospital ang huli pero idinekalara na itong dead on arrival.

Walang tigil naman sa pag-iyak ang panganay na anak ng babae dahil noong gabi bago sila matulog ay nagbilin pa umano ang kanyang nanay na huwag pabayaan ang mga kapatid at ang ama nito.

Tumanggi ang lalaki na isailalim sa autopsy report ang asawa dahil naniniwala silang walang foul play na nangyari sa pagkamatay nito.

Samantala, may nilunsad na hotline para sa mga Pinoy na may katanungan tungkol sa mental health, kailangan ng counseling, may kinahaharap na suliranin o nanganganib na mag-suicide.

Puwedeng tawagan ang National Center for Mental Health 24/7 crisis hotlines sa cellphone (0917-899-8727) o telepono (7989-8727 o 1553). (Orlan Linde)

Leave A Reply

Your email address will not be published.