Abante Tonite Interactive

Ina ng hunk actor hayok sa libre

291

Bulung-bulungan ang pagiging stage mother (SM) ng ina ng isang promising hunk actor (PHA).

Marami palang naiirita kay SM dahil mahilig itong umeksena porke alam niyang in demand ngayon ang kanyang anak na aktor.

Kuwento ng aming source, isa sa hilig ni SM ay ang makalibre mula sa mga sponsor o anumang ineendorso ni PHA.

Abante Hiring – IT dep

Sa isang event na imbitado si PHA, tsinika-tsika ni SM ang ka-ex deal na derma clinic ng kanyang anak at sinabi ritong pupunta si PHA sa nasabing clinic at ka-join siya dahil magpapa-beauty treatment din siya.

As in paulit-ulit si SM sa pagsasabi na pupunta siya sa clinic na ‘yon dahil bet niya ring magpaganda.

Actually, keri naman ‘yon at may ibang madir naman ng mga celeb na ginagawa rin ang gano’n, kaya lang ay annoying daw ang dating ni SM na sa kakukulit nito ay TH na ang dating.

Sey ng isang nakakakilala kay SM, ganu’n talaga ito na gustong palaging nadadamay siya sa perks ng kanyang anak. May pagka-freeloader daw ang peg nito at tila sanay sa mga ganu’ng eksena.

Mahal ni PHA ang kanyang mudra kaya hinahayaan lang niya ito. Huwag lang sanang masyadong maging hayok sa libre si SM at umabot sa puntong ikahiya ito ng anak nito!
***

Angel may sariling beach resort

May sarili na palang beach resort si Angel Locsin at doon sila nagpunta ng pamilya niya nu’ng Christmas break sa Talisayen Cove sa Zambales.

Relaks na relaks doon ang daddy niya na ang sarap ng higa sa duyan, tapos ay si Angel mismo ang naghanda ng boodle fight na pinagsaluhan nila.

“Little by little, I’m ALMOST there to fulfill my father’s and now, my dream as well, to have a place where we can spend time as a family while being able to preserve the beauty of nature.

“I don’t post stuff like this, but this became possible BECAUSE OF YOU guys so I feel you deserve to know that by giving me a chance in this world, your kindness and love has done wonders to our lives. Thank you so, so much.

“I hope #TheGe­neralsDaughter would somehow make you happy in return 🙂 Excited for our next journey together,” ang sey ni Angel sa IG.

Handang-handa na si Angel sa pagbabalik-teleserye niya after 5 years. Bida siya sa “The General’s Daughter” bilang army officer na si Rhian Bonifacio.

Tuloy-tuloy na ang promo ng programa dahil magsisimula na ito sa January 21 kapalit ng “Ngayon at Kailanman” ng JoshLia.

Si Regine Velasquez ang umawit ng theme song ng “The General’s Daughter” na “Ikaw ang Aking Mahal.”
***

Regine, Vice padadagsain ang sangkabekihan

Halatang excited na si Regine Velasquez-Alcasid sa first concert nila together ni Vice Ganda.

Panay na ang promote ni Regine sa social media ng concert nila ni Vice, na “RXV” ang title at bale three nights pala.

February 14, 15 & 16 ito sa Araneta Coliseum bilang pumatak kasi ng Huwebes ang Valentine’s Day this year.

Ang dami agad na-excite sa “RXV” na matagal nang pinaplano nina Reg at Vice pero this year lang finally matutuloy.

Parehong fashionista ang Asia’s Songbird at ang Unkabogable Box-Office Star kaya ang sabi sa amin ni Regine last time ay mala-concert slash fashion show ang magaganap.

Kaabang-abang ang kabugan ng mga outfit ng gay icon na si Regine at ng aminadong fan na fan niya na si Vice. Pinagsama ang dalawang outfiterang baklah, so palong-palo ang mga pa-costume nito for sure.

At siyempre, hindi rin patatalbog si Vice pagdating sa biritan bilang dati rin niyang ini-impersonate si Songbird tulad ng close friend niyang si Anton Diva na nakilala sa panggagaya sa boses ni Regine.

Nai-imagine na naming susugod at dadagsa ang sang­kabekihan sa Araneta para panoorin sina Regine at Vice.