Abante Tonite Interactive

Ina ni Boy Abunda pumanaw na

565

Yumao na ang ina ni Boy Abunda na si Licerna “Lesing” Romerica Abunda sa edad na 90.

Ang nakakalungkot na balita ay kinumpirma ng kapatid ng “King of Talk” na si Congresswoman Maria Fe Abunda sa Facebook nitong Lunes, December 2. Hindi nabanggit kung ano ang dahilan ng pagkamatay nito pero ang kanilang ina ay mayroong sakit na “Dementia”.

Nakaburol ngayon ito sa Arlington Memorial Chapel sa Quezon City.

Maraming nakikiramay at nakikisimpatya sa pinagdaraanan ng King of Talk. Kilala si Boy sa kanyang nag-uumapaw na pagmamahal sa ina. Kabilang nga sa mga linyang palagi niyang binabanggit ay ang “Make your nanay proud.”

Nitong Oktubre ay naging emosyonal ang host sa kanyang special episode ng “Tonight With Boy Abunda”. Dito niya ikinuwento ang madalas na pagkaka-ospital ng ina. Nagbitiw rin ng salita ang host na hindi niya alam kung paano pa mabubuhay kung wala na ang ina sa tabi niya. (Rona Ronda)