Abante Tonite Interactive

Ina ni Kathryn sumabog sa laplapan ng KathDen

0 662

DIVA CHRONICLES
Alwin Ignacio

Wala akong personal ugnayan sa nanay ni Kathryn Bernardo, ang katuwang ni Alden Richards sa highly anticipated movie na “Hello, Love, Goodbye.”

Ang diva that you love, siguradong she does not know me from Adam or Steve. At kung kami man ay nagkakilala na dati, tiyak hindi niya ako naalala.

Kaya ko siya sinusulat sa pitak ko kasi gusto ko ang pagsagot niya sa isang netizen na obviously ay hiding a fictitious handle name.

Huwag na nating pangalanan pa kung sino ang fictitious persona pero ang pinag-uugatan nito ay ang post ni Mrs. Bernardo na: “Palapit na palapit na po ang showing ng #Hello, Love, Goodbye. Kita-kita po tayo. Paki-check po sa ating mga sinehan na malapit sa inyo ang schedule ng showing. Kilalanin po natin si Joy at Ethan…. Millennials.”

Ang mahaderang nakakainis, nagmamalinis pero marumi rin naman, ang post naman na walang dudang pinarurunggitan ang mothering style ni Mrs. Bernardo: “May kumakalat daw n eto movie ng AND at ibang KNs ng malaman maraming halikan rito sina Alden at Kathryn… kasi naman bilang nanay hindi man lang nirespeto boyfriend ng anak at pinayagan makipaglaplapan anak nia sa ibang lalaki anak niya… iyan ba ang sinasabi niyong role model.”

Dahil sa post na ito, ang nanay ni Bernardo, hindi napigilan ang damdamin at pumatol sa mahadera: “Part ka ba ng creative? Malamang HINDE… ang kinakalat mong kwento ay taliwas sa story… ang pagiging NANAY ko ay huwag mong questionin kase madame kang hindi alam… Sana kung maging magulang ka na, maging isa kang huwaran…then tsaka mo ako balikan at kausapin.”

Boom! Sabog ang mahaderang hiding under a fictitious name sa payanig ni Nanay Bernardo. Ang gusto ko lang ipunto, lalo na sa mga eksenang halikan, sina Kathryn, Alden at Daniel ay mga artista. Kasama sa mga katauhang ginagampanan nila ang mga eksenang may halikan.

Ito pa ay kasama sa kanilang trabaho. Siyempre, bilang actor at actress, ‘pag sila ay naglalapat ang mga labi, may damdamin iyon, dapat makatotohanan, lalo na kung magkasintahan, mag-asawa o kaya ay magkalaguyo ang kanilang ginagampanan.

Ginagawa nila iyon because their roles call for it. Sabi nga, walang personalan, trabaho lang. Wala kayong karapatang maliitin ang pagkatao ng mga artistang may mga eksenang kailangan nilang maging intimate.

Sa nalalapit na hinaharap, sina Bernardo at Richards, hindi lang kissing scenes ang mga gagawin sa kanilang mga pelikula o proyektong pang-telebisyon, maaaring may love scene pa nga. At ang ganyang mga eksena, kasama sa line of work nila. Part iyan of their growth bilang mga artista.

Kaya, sa mahaderang hindi kumikilos ayon sa kanyang maganda, walang katwiran ang iyong katwiran at hindi naayon sa mabuting asal at magandang pag-uugali na iyong kuwestiyunin ang nanay ni Kathryn at maging si Bernardo na buong puso at kaluluwang ibinibigay ang kanyang sarili upang maging mahusay na aktres.