Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Ina ni Mikoy tsugi sa Dos

0 1,210

NI: VINIA VIVAR

Apektado rin pala ang Kapuso star na si Mikoy Morales sa naganap na retrenchment sa ABS-CBN. Ang kanyang ina ay nagtatrabaho sa Human Resources department ng network at isa ito sa natanggal.

This explains kung bakit sumama si Mikoy sa noise barrage ng ABS-CBN last Saturday. Makikita rin sa kanyang mga post ang pagsuporta sa network at pakikiisa sa pakikipaglaban.

Sa tweet ni Mikoy last Saturday ay makikita ang kanyang ina habang nakasakay sa loob ng van at iwinawagayway ang ABS-CBN ID nito sa labas.

Caption ni Mikoy, “waving her ID one last time” na nakakadurog ng puso.

Ayon nga sa source namin ay buong department ng HR ang na-dissolve na sobrang nakakalungkot talaga.

Leave A Reply

Your email address will not be published.