Abante Tonite Interactive

Ina ni Robin kinompronta si Mariel

587

Kinausap pala ni Mommy Eva Cariño-Padilla si Mariel Rodriguez tungkol sa naging pagpunta ng anak niyang si Robin Padilla sa Jolo, Sulu recently.

Ito ang ikinuwento ni Mariel sa kanyang Instagram post na sinamahan niya ng larawan ng mister habang nasa Sulu ito at nagbibigay ng speech.

Ayon kay Mariel, tinanong siya ng kanyang mother-in-law kung bakit laging nagpupunta sa delikadong lugar si Robin at ang tanging naisagot na lang niya ay “mama, wala na po akong magagawa, ‘yun na po talaga si Robin.”

Abante Hiring – IT dep

Matatandaang nagpunta si Binoe sa nasabing lugar para dumalo sa youth forum kasama ang ilang sundalo ng Philippine Army base na rin sa post ng action star. Kasabay nga nito ay ang announcement ng kanyang intensyon na maging army reservist.

As a dutiful wife, suportado naman ni Mariel ang desisyong ito ng mister at aniya sa kanyang post ay proud siya sa asawa.

“Proud of you always. Praying for your safety always. Here for you always. I love you always @robinhoodpadilla ang ganda ng tanong ni Mama Eva sakin when we last talked ‘Mariel, bakit ba si Robin lagi sa delikado nagpupunta?’ Then i told her ‘Mama, wala na po akong magagawa yun na po talaga si Robin’ all we can do for you is support you and pray to God to keep you safe and return you home to us. Salamat sa mga sundalo na nagsundo at naghatid sayo pauwi,” ang kabuuan ng caption ni Mariel.

Vilma, Ralph rumampa sa Korea, China

Dumiretso pala ng Seoul, South Korea ang mag-asawang Sen. Ralph Recto and Lipa City Re-presentative Vilma Santos after Shanghai, China para sa kanilang family vacation pa rin.

Nakakatuwa ang Instagram Story ni Ate Vi na tuwang-tuwang habang rumarampa siya sa M­yeongdong shopping street. Panay rin ang post ng fans ng Star For All Seasons sa IG ng mga paglilibot ng mag-asawa.

Sa isang larawan na ipinost ng forevervilmanians account ay makikitang may hawak-hawak na ice cream si Ate Vi at sa caption ay nakalagay, “she is in Seoul this time! Annyeonghaseyo, Vilmanians! Happy weekend. enjoy na enjoy si Ms. @rosavilmasantosrecto as a private citizen sa Korea. Malayang nakakagala at kumakain ng ice cream sa mall na hindi dinudumog ng fans.”
Last week ay nasa Shanghai, China ang mag-asawa at enjoy na enjoy rin si Ate Vi ayon sa forevervilmanians.

“Congresswoman Vilma Santos-Recto & Senator Ralph Recto, Family time in Shanghai, China. Sobrang ineenjoy, nag Zumba pa! Sa kanilang pagbabalik bansa ay sasabak na naman sa trabaho ang Power Couple sa senado at kongreso. Have fun, Cong, Vi!” ang caption ng fans sa isang larawan ng mag-asawa habang nagsasayaw sa Shanghai.