Abante Tonite Interactive

Ina ni Tony pumalag sa minurang BI officer

By
255

Naglabas ng saloobin ang ina ni Tony Labrusca na si Angel Jones. Iyon ay dahil sa inabot na pambabatikos sa anak dahil sa nangyaring insidente sa airport terminal.

Nangyari ang insidente nitong umaga ng January 3 sa NAIA Terminal 1. Pinagsisigawan at pinagmumura umano ni Tony ang immigration officer dahil sa ‘di siya mabigyan ng Balikbayan visa na ibinibigay lamang sa balikbayan kung may kasamang anak o asawa.

Mag-isa umanong dumating ang aktor mula Canada kaya’t ‘di siya binigyan ng visa, na labis na ikinagalit niya.
Matapos ang insidente ay magkakasunod ang tweet ng ina ni Tony na nagpapakita ng pagkadismaya dahil sa pagkalat umano ng fake news.

Saad ng una niyang tweet nitong January 3, “Every­one will always have something to say no matter what you do. Can’t please them all.”

Muling nag-tweet ang ina ni Tony nitong January 4 na may kinalaman pa rin sa insidente sa airport. Nalulungkot umano siya kung bakit bentang-benta sa mga tao ang fake news at kung bakit naninira ang ibang tao sa buhay ng iba.
Nagpahayag pa siya ng saloobin tungkol sa mga taong naniniwala sa maling impormasyon.

Aniya, “You can tell a lot about a person based on the gossip they listen to and stories believe.”