Abante Tonite Interactive

Ina ni Xia manikurista

931

Pang-“Maalaala Mo Kaya” ang buhay ng child star na si Xia Vigor at ng kanyang inang si Christy Bernardo.

Dalawang taon lamang si Xia at three years old ang kanyang kapatid na si Liam nang maghiwalay si Christy at ang kanyang British husband na si Alan Vigor.

Ang masaklap, naiwan kay Christy ang dalawang bata nang wala man lamang nakuhang suporta sa kanyang dating asawa. At that time ay nag-aaral ng abogasya sa Exeter University ang ina ni Xia na nakakuha noon ng scholarship.

Dahil isa nang single parent noon si Christy ay nag-apply ito ng suporta mula sa British government – mula sa renta ng kanilang tinitirahang apartment, sa weekly allowance ng 70 pounds at bayad sa British nanny for five hours habang siya’y nasa school.

Dahil hindi kasya ang weekly allowance na tinatanggap ni Christy para sa pangangailangan nila, napilitan itong mag-service ng manicure-pedicure sa kanyang mga kaklase para lamang kumita. Madalas ay umiiyak siya sa sobrang hirap ng sitwasyon nilang mag-iina. Ang dating parlor ni Christy ay pinaupahan ng kanyang ex-husband kaya lalo siyang nahirapan na maitawid ang kanilang pang-araw-araw na pangangailangan nilang mag-iina.

From law ay nag-switch si Christy sa Film Studies pero just the same ay nahihirapan siya para sa kanyang mga anak na madalas kasa-kasama niya sa kanyang mga lakad.

Hindi na nakuha pa ni Christy na maghabol ng sustento sa kanyang dating mister kaya nu’ng 2013 ay nagdesisyon siyang bumalik na lamang sila ng Pilipinas.

Nabago ang takbo ng buhay nila nang maging grand winner si Xia sa “Mini-Me 2” segment ng “It’s Showtime” in 2015. Sandali ring naging bahagi si Xia ng “It’s Showtime” na magkaroon siya ng sariling segment, ang “Xia and Kuys” kasama sina Billy Crawford at Vhong Navarro.

Nagtuloy-tuloy ang pagsikat ni Xia nang ito’y sumali sa “Your Face Sounds Familiar Kids” in 2017 at maging isa sa mga batang hurado sa “The Kid’s Choice.”

Nagtuloy-tuloy ang pagsikat ng child star nang ito’y gumanap sa papel ni Yesha sa blockbuster hit movie na “Miracle in Cell No. 7”. Kasunod na rito ang paglagda ni Xia at ng kanyang inang si Christy ng five-year management contract sa Viva Artists Agency (VAA).

Bago dumating ang offer para sa “Miracle in Cell No. 7” ay plano na dapat ng mag-iina na bumalik ng London pero ito’y nabago.

Sam nalungkot sa JaDine

Nalungkot sa paghihiwalay nina James Reid at Nadine Lustre ang kaibigan nilang si Sam Concepcion. Pero kung anuman ang dahilan ng paghihiwalay ng dalawa ay dapat umanong igalang at ‘wag nang panghimasukan.

Si Sam ay hiwalay na rin sa kanyang ex-girlfriend na si Kiana Valenciano. Kahit hiwalay na ang dalawa ay friends pa rin umano sila at ganu’n pa rin ang kanyang pakikitungo sa pamilya Valenciano.

Katunayan, ang eldest brother ni Kiana na si Paolo ang director ni Sam sa kanyang upcoming musical play.

***

Tunghayan bukas, araw ng Lunes, sa ganap na alas-12:00 ng tanghali ang “Celebrity Talk” online show ng Abante Tonite on website, Facebook and YouTube Channel. Exclusive naming nakapanayam ang Asia’s Romantic Balladeer na si Christian Bautista.