Abante Tonite Interactive

Ina pambulabog ang hubog

0 548

Kung ma­bi­big­yan ng pagkakataong mailabas ni Ina Feleo ang kanyang kaseksihan, siguradong makiki­pagsabayan siya kay Andrea Torres sa pagsasamahan nilang serye na ‘The Better Woman’.

Makikita naman sa kanyang mga Instagram post ang mga sexy photo nito nang naka-bikini, workout routines at iba pa.

Sa pagandahan ng katawan, hindi pahuhuli si Ina sa Sex Goddess ng Kapuso network na si Andrea.

Kaya nga kapag nagkaroon ng showdown sa mga susunod na eksena nila ni Andrea, siguradong magpipiyesta ang marami.

Hindi lang hubog ang maganda kay Ina, kundi ang kumpiyansya niya sa kanyang pigura at katawan.

Mai-insecure ang ibang sexy kuno sa katawan na mayroon si Ina. Sa mga barako, pambulabog ang kanyang alindog. Nakakawala sa konsentrasyon!