Abante Tonite Interactive

Ina pantasya ng mga binatilyo

710

Kung paseksihan din lang naman ang labanan, hindi pa gugustuhing mag-retire ni Ina Raymundo.

Kahit nasa edad 40’s na, palaban pa rin si Ina sa pinakahuling post niya sa kanyang Instagram. Naka-gold one piece bathing suit siya.

Sa pagkakahapit ng swimsuit sa kanyang katawan, matagal-tagal pa bago bumaba sa kanyang trono at ipaubaya ang kanyang titulong “Sabado Night Girl”.

Punum-puno ng asim ang alindog ng aktres.

Walang lalaki, lalo na ang mga donselyang binata, ang hindi magpapatansya kay Ina sa una nilang pagtatampisaw sa kamunduhan.

Sa paningin at ilusyon ng mga kabataang lalaki, tipong mahusay na guro sa pagtatalik si Ina.

Kaya nga hanggang ngayon, mabulaklak pa rin ang karera ng aktres dahil sa kanyang eternal youth at sex appeal.

Sana mamana ng kanyang panganay na si Erika Rae ang bagsik ng alindog ni Ina. (Rey Pumaloy)