Abante Tonite Interactive

Ina pinasaya ang mga buryong sa lockdown

2,817

NI: ROLDAN CASTRO

Hindi maiiwasan sa panahon ngayon na makaramdam ng lungkot, galit, pagod, o depresyon. Lalo pa’t walang katiyakan ang lahat ng bagay sa gitna ng kinahaharap na sakit na COVID-19 ng buong mundo.

Walang ibang magtutulungan kung hindi tayo-tayo lamang kaya naman ang Bilangin ang Bituin sa Langit star na si Ina Feleo ay nagpaabot ng encouraging message sa kanyang followers . Binigyan niya ng saya at pag-asa ang mga posibleng lugmok sa mga nakakabahalang situwasyon ngayon.

Ayon kay Ina, importante raw na balikan ang masasayang alaala para manatiling positibo . Ito’y gaya na lamang ng ipinost niyang picture sa Instagram na enjoy niyang kasama ang fiancé na si James Gerva habang nagto-tour sila sa Venice, Italy.

“Feeling exhausted, sad, depressed, angry? Find a good memory, and live in it for awhile. This is mine today. I hope you find a reason to be grateful still. Memories are precious!”

Tonite – Wendys Inhouse Ad