Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Ina type maging manugang si Julia

0 424

Boto si Ina Raymundo kay Julia Barretto na maging manugang niya para sa anak na Jacob Portunak.

Harapan itong sinabi ni Ina kay Julia sa latest episode ng Drunk and Spill episode sa YouTube ng young actress kung saan ay ang veteran actress ang kanyang guest.

Ayon kay Ina, crush na crush daw si Julia ni Jacob na sumilip sa kanila dahil tila sa bahay ng veteran actress kinunan ang show.

“Look at the very handsome son,” sambit ni Julia nang makita si Jacob.

Eh mukhang nakainom na si Ina (since Drunk and Spill nga ang show) kaya ibinuking niya ang anak. Sey niya, “Kuya, can I say that you have a crush on Julia?”

SM SuperKidsDay Banner Ad

Sagot naman ng gwapong anak ni Ina, “you already said so” sabay-ngiti.

Panunukso ni Ina, “he has a crush on Julia.” Sagot naman ni Julia, “I didn’t know that.”
Deretsahan nang tinanong Ina si Julia ng “Maybe you’ll be my daughter-in-law?” Natawa naman ang young actress.

”Kaya pala ‘yung feeling ko sa kanya para ko siyang daughter kasi daughter-in-law ko pala siya in the future,” dagdag pa ni Ina.

Way, way back ay close pala si Ina at ang nanay ni Julia na si Marjorie Barretto. Kwento nga ng aktres, siya raw ang isa sa mga unang nakaalam na nagdadalang-tao ito kay Julia that time.

“Back in 1996, nagkasama kami ng mommy niya, si Marjorie. So, isa ako sa pinakauna niyang sinabihan na pregnant siya with Julia na nu’n. That was August 1996. Parang that’s why we’re connected kasi nu’ng nasa tummy palang siya ng mommy niya, alam ko na siya. Isa ako sa unang nakaalam,” kwento ni Ina.

Leave A Reply

Your email address will not be published.