Abante Tonite Interactive

Inaani ni Gen Eleazar ang bunga ng magandang serbisyo

355

Kudos kay dating ­Major General Guillermo ­Eleazar na hepe ngayon ng Directorial Staff ng Philippine National Police (PNP), sa kanyang promosyon bilang 3-star gene­ral o lieutenant general.

Hindi naman kagulat-gulat ito. Sa totoo lang ay inaasahan na ng lahat ang pag-angat ng ranggo ng ating bagong Lt. Gen. Aba eh ano pa ba naman ang aasahan mo sa taong naglingkod talaga? Inaani lang ng ating Mamang Pulis ang kanyang ­itinanim na magandang serbisyo sa bayan.

Sobra ang sipag at dedikasyon ni Eleazar sa kanyang trabaho kaya nga ang dami niyang accomplishment mula sa pagiging hepe ng Quezon City Police District (QCPD), Police Regional Office (PRO) 4-A, at ­National Capital Region Police Office (NCRPO).

Hindi nga ba’t nawala ang angas ng mga VIP at big time drug lord sa New Bilibid Prison (NBP) nang italaga siya rito ni Pangulong Duterte? Pinag-iba ni Eleazar ang kubol ng mga ito na kuntodo air-con pa. Kumpiskado pati mga TV, component at gadget nila.

Nanginig talaga ang wetpaks ng mga walang hiyang peste ng ­lipunan na kahit nasa loob na ay nagagawa pang ­kontrolin ang drug distribution sa bansa.

Palaban talaga si Eleazar na miyembro ng PMA Hinirang 1987 Class kaya naman isa siya sa mga matunog na contender para sa top PNP post.

Kaya Pangulong Duterte, hindi po kayo magkakamali ‘pag itong si Eleazar ang napisil ninyo para maging top crime buster ng ating bansa.

***

Iba ang Pinoy

Kahit anong wakwak pa ang gawin ng iba nating kababayan, na­ngingibabaw pa rin ang mga papuri at pasasa­lamat ng mga dayuhang atleta sa matagumpay na pagho-host ng ‘Pinas sa idinaraos na 30th SEA Games sa bansa.

Related Posts

Kaya kayong mga basher, mahiya naman kayo. Imbes na ipagmalaki ninyo ang ating mga kababayan ay ­winawakwak niyo pa.

Kita niyo nga at viral pa ngayon ang kabayanihan ni Pinoy surfer Roger Casugay matapos niyang iligtas ang karibal na Indonesian surfer na si Arip Nhundayat.

Hindi inalintana ni kabayan Roger ang abot-tanaw na niyang gintong medalya at binalikan si Arip para iligtas hanggang makarating sila sa pampang. Mas mahalaga nga naman ang buhay kaysa anupamang ­premyo. ‘Yan ang Pinoy! ‘Yan ang kababayan natin!

At dahil rito, ipinagbunyi at naging instant bayani si kabayang Roger sa mga Indonesian sports official at mga atleta. Ikaw na kabayang Roger!

Isa pa itong koponan ng Timor Leste na walang pagsidlan ang pasasalamat sa ‘Pinas ­dahil sa pag-cheer ng ating kababayan na makakuha sila ng anumang medalya SEAG.

Siyempre pa inuulan din ng papuri ang mga sports facility na ipinatayo ng Digong admin para sa 30th SEA Games lalo na ang world-class sports stadium at aquatic center sa New Clark City sa Tarlac.

Nakakabilib daw ang ginawa ng ‘Pinas na isang world-class sports ­facility sa loob lamang ng 40 araw.

Namangha naman ang Malaysian official na si Abdul Kader, director general ng International Sepaktakraw Federation sa Sepak Takraw venue sa Subic gymnasium ­dahil isa raw ito sa pinakamagandang Sepak Takraw venue sa kasaysayan ng SEA Games.

Kung pagbabasehan po natin ang mga nangyaya­ring ito, ‘wag na tayong magtaka kung lalahok ang ‘Pinas sa bidding para sa Asian Games.