Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Inabandonang tatay pinapak ng mga daga

0 374

Nawawala na ang kanang mata, nginatngat na ng daga ang bibig at pinagpipiyestahan na rin ng ipis ang isang lalaking natagpuang walang buhay sa squatter’s area kamakalawa ng gabi sa Tondo, Maynila.

Pinaniniwalaang inatake habang `dumudumi’ sa arinola ang biktimang si Ricardo Maturino y Roxas, 34, helper, taga-Bambang St., Tondo, Maynila matapps itong makitang nakasubsob sa tirahan sa tabing ilog.

Sa imbestigasyon ni PEMS Richard Escarlan, ng Manila Police District-homicide section, alas 9:15 ng gabi ng Enero 29 nang madiskubre ng pinsang babae at kapatid na lalaki ang bangkay sa maliit na silid na nasa ikalawang palapag ng barung-barong.

SM SuperKidsDay Banner Ad

Huling nakitang buhay ang biktima sa labas ng bahay alas-4:30 ng madaling araw ng Enero 28 at hindi na umano lumalabas kaya kinatok kinabukasan hanggang sa bumungad ang bangkay ng biktima na napapalibutan ng mga ipis at daga at duguan rin ang bunganga kung saan maging ang isang mata nito ay pinapak ng mga daga.

Nalaman na nag-iisa na lang umano ang biktima na matagal nang may hika at kumplikasyon matapos

layasan ng kinakasama at anak.

Dinala sa Cruz funeral homes ang bangkay para sa awtopsiya. (Juliet de Loza-Cudia)

Leave A Reply

Your email address will not be published.