Abante Tonite Interactive

Inah inabuso ng dating dyowa

By
1,645

Battered girlfriend ang role ni Inah de Belen sa bagong serye na “Ika-5 Utos” ng GMA 7. Sinasaktan siya sa serye ni Jake Vargas.

Inurirat siya tungkol dito hanggang umamin na maging isang verbally abused girlfriend siya

“Medyo nag-struggle din ako sa role na ito kasi the feeling and the situation is very similar to me. Not physical, no, no, no, ano lang, emotional,” pag-amin niya.

Na-experience daw niya ito sa magkasunod na boyfriend niya. Minumura daw siya. ‘Yung una ay limang taon niyang nakarelasyon.

Bakit pinatagal ng limang taon?

“Siyempre! Ganu’n naman ‘yun… I think you know at some point, kasi mapapagod ka din,” sambit niya.

Anim na buwan lang daw ang itinagal ng pangalawang nakarelasyon niya.

Parehong non-showbiz ang mga ito. Hindi raw ito alam ng parents niya na sina Janice de Belen at John Estrada.

Right now, happy ang lovelife niya kay Jake. Hindi raw niya naranasan ‘yung mapait niyang karanasan sa da­ting nakarelasyon.