Abante Tonite Interactive

Inah, trabaho muna bago lumandi kay Jake o Jeric

151

WALANG itulak-kabi­gin si Inah de Belen sa da­lawang leading men niya sa Oh, My Mama! na sina Jake Vargas at J­eric Gonzales.

Para sa bagong Kapuso star, bukod sa parehong guwapo ay pareho ring okey sina Jake at Jeric.

Walang nakakalamang, pantay lang ang mga ito para kay Inah dahil magkaiba ang perso­nality ng dalawa.

Sey ni Inah, si Jake ‘yung tahimik na angelic ang face at si Jeric ‘yung mas outgoing.

Hindi pa sila matagal na nagkakasama, pero kuwela silang tatlo sa set at para silang magkakaibigan na matagal na hindi nagkita.

Sakali mang may manligaw kay Inah kina Jake at Jeric, kailangan pa niya ng time para mas makilala ang dalawa.

But she’s single, so sabi ng petite na da­laga, “Who knows kung anong puwedeng mangyari?”
Last year pa nag-break si Inah at ang ex-boyfie niyang hindi taga-showbiz.

If ever may manligaw sa kanya ay hindi nakikialam ang parents niyang sina Janice de Belen at John Estrada, nag-a-advise lang ang mga ito.

Sey ng 24-anyos na si Inah, alam ng mga magulang niya na hindi sa pagbu-boyfriend ang focus niya ngayon.

Gusto niyang mag-concentrate sa trabaho at pagbutihin ang kanyang career para mapatunayang deserving siya sa pagtitiwala sa kanya ng GMA.

Si Jake ay gusto ang pagiging mapagmahal ni Inah sa family nito. Mabait, maganda, simple at okey ang description ni Jake sa Kapuso newbie.

Si Jeric ay gandang-ganda sa mga mata ni Inah.

Nabanggit din ni Jeric na malapit sa pamilya si Inah, may focus sa ginagawa at saka pareho sila ng type of music kaya wala silang ilangan sa set at relaks lang sila.

Ngayong hapon ang simula ng Oh, My Mama! sa GMA Afternoon Prime pagkatapos ng Eat Bulaga.

Tonite – Wendys Inhouse Ad