Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Inambus na empleyado, sinaklolohan ng Antipolo LGU

0 57

Kinondena ng lokal na pamahalaan ng Antipolo ang pagkamatay ng isang kawani ng City Ordinance Enforcement Division (COOED).

Kinilala ang biktima na si Roman D. Capulong, 39, team leader ng COOED – Office of Public Safety and Security, Anti-illegal Vending Section.

Namatay noon din si Capulong nang barilin sa ulo ng hindi pa nakikilalang lalaki habang nagmamaneho, alas-7:00 ng umaga nitong Oktubre 4, sa Phase 48, Bagong Nayon II, Barangay Dela Paz.

SM SuperKidsDay Banner Ad

Agad namang nakiramay si Antipolo City Mayor Andrea Ynares sa naulila ng biktima. Tiniyak ng alkalde na maparusahan ang salarin upang mabigyang katarungan ang sinapit ni Capulong kasabay ng paglaan ng P100K pabuya sa makapagtuturo sa utak ng krimen.

Ayon sa mga saksi, nakamotor, helmet at itim na jacket ang suspek nang bigla na lang paputukan ang biktima.

Patuloy pa ang isinasagawang imbestigasyon ng pulisya upang mahuli ang salarin.

Leave A Reply

Your email address will not be published.