Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Inambus na Manila fiscal sinundan mula Laguna

0 273

Binuntutan umano mula sa kanyang bahay sa Calamba, Laguna ang inambus na si Manila Chief Inquest Prosecutor Jovencio Senados bago ito hinarang at pinagbabaril noong Hulyo 7 sa panulukan ng Anakbayan St. at Quirino Avenue sa Maynila.

Ito ang inihayag ni Justice Secretary Menardo Guevarra kaugnay sa isinasagawang imbestigasyon ng National Bureau of Investigation (NBI).

“As of last Friday, the NBI had gathered and examined CCTV (closed-circuit television camera) footages showing that the victim had been tailed all the way from Laguna. The NBI also obtained copies of various reports and photographs from the PNP,”ayon kay Guevarra.

Sa inisyal na imbestigasyon ng NBI, kinumpirma rin na ang Mitsubishi Montero sports utility vehicle (SUV) na ginamit ng mga suspek ay bogus kung saan ang plaka nito ay mula sa Honda Brio na pag-aari ng isang babae sa Real, Quezon.

Nabatid na si Senados ay sakay ng kanyang kulay pulang Toyota Yaris na minamaneho ng kanyang pamangkin nang pagbabarilin ng mga armadong kalalakihan.

Patuloy pa rin ang pangangalap ng ebidensiya ng NBI para matukoy ang motibo at nasa likod ng pananambang. (Juliet de Loza-Cudia)

Leave A Reply

Your email address will not be published.