Abante Tonite Interactive

Inang namatay nabuhay sa kabaong

442

Dear Dream Catcher,

Gusto ko lang po malaman ang kahulugan ng a­king panaginip. Nana­ginip po ako na nasa kabaong ang aking ina, at nang yakapin ko ang kabaong hinawakan niya ang aking kamay at nakita ko po na gumalaw ang kanyang mga mata at humihinga. Ano po ang kahulugan nito?

Analyn

Ang ina ay sumisimbolo sa ating pangangaila­ngan ng guidance at nurturing. Maaring ito ay indikasyon na sa aktuwal na buhay, ikaw ay na­ngangailangan ng gabay na tanging ang isang ina lamang ang makapagbibigay. Ang panaginip tungkol sa namatay na ina ay konektado sa emosyon

Hindi mo naman nabanggit kung sa ngayon ay buhay pa ang iyong ina o kung matagal na siyang patay kaya magpokus na lamang tayo sa sinisimbolo ng isang ina.

Ang iyong panaginip ay maari ring indikasyon na nangangailangan ka ng tulong at may kinakaharap na masasalimuot na sitwasyon kung saan ang puso mo ay naghahanap ng payo. Posibleng ang kinakaharap mong isyu ay masyadong perso­nal at karaniwang naihi­hingi lamang ng isang babae sa kanyang ina o sa isang taong lubusan niyang pinagkakatiwalaan.

Ang ina ay sumisimbolo rin sa backbone mo, sa iyong lakas bilang tao.

Ang ina ay karaniwang itinuturing ng isang anak bilang malakas, mapagmahal at nagbibigay ng proteksyon.

Ang paghawak ng iyong ina sa iyong kamay ay nagpapakitang ito ang hinanap mo sa ngayon–isang taong makakapitan mo sa panahong mahinang-mahina ang iyong kalooban.

Sa kabuuan, ikaw pa rin ang higit na makapagbibigay ng interpretas­yon ng iyong panaginip dahil ikaw lamang ang higit na nakakakilala sa iyong sarili.

Dream Catcher

DISCLAIMER: Ang DREAM CATCHER ay nagbibigay lamang ng gene­ral information tungkol sa mga kahulugan ng ating panaginip. Wala itong kinalaman sa relihiyon, kulto o anumang espiritwal na aspeto ng buhay. Sa mga gustong isangguni ang kanilang panaginip, mag-email sa abante dreamcatcher@gmail.com