Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Inangking `dead forest’ sa Boracay nabawi ng DENR

0 479

Nabawi ng Department of Environment and Natural Resources ( DENR) mula sa mga iligal na umuukopa nito ang wetland `dead forest’ sa Boracay.

Ayon kay DENR Director Natividad Bernardino, na siya ring general manager ng Boracay Inter-Agency Rehabilitation Management Group (BIARMG), magsisimula na ang pagsasaayos o restoration work sa Wetland No. 6, kilala bilang “dead forest.”

Naalis na ng DENR ang mga illegal structures mula sa nasabing wetland na may sukat na 8.5 ektarya sa Barangay Manoc-Manoc. Ang mga nakatira dito na 31 pamilya na kabilang sa Tumandok tribe ay lilipat na sa mga lupaing ibinigay sa kanila ng pamahalaan.

“That’s hitting two birds with one stone,” sabi ni DENR Director Bernardino.

Ayon kay Bernardino, ang recovery ng Wetland No. 6 ay alinsunod sa Executive Order (EO) 53 na bumuo sa Boracay Inter-Agency Task Force (BIATF) sa pamumuno ng DENR. Isa sa mga layunin ng task force ay mai-reverse ang pagkasira ng resort island na kilala sa buong mundo.

Sa nasabing EO na nilagdaan ni Pangulong Rodrigo Roa Duterte noong 2018, naatasan ang DENR na ilipat at gibain ang mga establishments at istraktura na sumasakop sa mga forestlands, wetlands at iba pang water bodies sa Boracay.

Kasabay nito, sinabi din ni Bernardino na ang planong pagsasaayos sa wetland ay nagbigay-daan din upang makuha ng mga original settlers ng isla ang kanilang nararapat na bahagi ng lupain sa Boracay. (Riz Dominguez)

Leave A Reply

Your email address will not be published.