Abante Tonite Interactive

Inatado ni stepdad

By
4

Patay ang isang binata matapos na tadtarin ng saksak ng kinakasama ng kanyang ina matapos ang isang mainitang pagta­talo dahil sa kuryente sa Malabon City kamakalawa ng gabi.
Sa ulat ni P/Insp. Bobby Egerra ng Malabon City Police Community Precinct alas-10:30 ng gabi nang maganap ang insidente sa bahay ng ina ng biktimang si Michael Bansoy, 21, sa Blk. 9, Phase II, Flovie Homes II, Letre, Brgy. Tonsuya ng nasabing lungsod.

Natutulog umano ang biktima nang dumating ang kanyang step father na si Efren Rama, 38-anyos, isang glass supply installer.

Pagkapasok sa loob ng bahay ay nagtungo umano sa kinaroroonan ng circuit breaker ang suspek at ini-off ito dahilan upang mawalan ng kuryente sa buong bahay.

Dahil sa init ay na­gising ang biktima at nang malaman na ang kanyang amain ang may kagagawan ng pagkawala ng kuryente ay kinumpronta nito ang suspek na nauwi sa pagtatalo hanggang sa pumulot ng bote ng softdrinks ang biktima at binato ang amain na nakailag at gumanti saka kumuha rin ng patalim sa kusina at sinaksak ng sampung ulit sa iba’t ibang bahagi ng kanyang katawan.