Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Inatake ng depresyon, 2 nagbigti

0 87

Dalawang insidente ng pagpapatiwakal gamit ang mga kumot ang mga naitala sa magkahiwalay na lugar sa Nueva Ecija sa unang araw ng taong 2021.

Sa ulat sa tanggapan ni PCol. Marvin Joe Saro, acting provincial director ng PNP, isa sa biktima ay 33-anyos, may ka-live in habang ang isa ay binata, 20, kapwa taga-Nueva Ecija.

SM SuperKidsDay Banner Ad

Nabatid na alas-6:00 ng umaga nang matagpuan ng kanyang live-in partner ang nagbigting 33-anyos na biktima.

Ika-9:30 naman ng umaga nang matagpuan ang nakabiting labi ng binata sa isang puno sa likod ng kanilang tirahan.

Lumilitaw na labis umano ang depresyon ng dalawa, lalo na na ang huli na kinalasan ng kanyang gf kaya nagpakamatay. (Jojo De Guzman)

Leave A Reply

Your email address will not be published.