Abante Tonite Interactive

Inatake ng depresyon Baby tinadtad ni mommy

0 167

Malagim ang na­ging kamatayan ng isang sanggol nang pagta­tagain ito hanggang sa mapatay ng sariling nanay sa Mataas na Kahoy, Batangas noong Martes nang hapon.

Sa pahayag sa pulis ng nanay ng bata na si Aiza, 29-anyos, dumaranas umano siya ng matinding postpartum depression kaya niya kinatay ang supling.
Nagdilim umano ang kanyang paningin nang hindi mapatigil sa pag-iiyak ang sanggol.

Nalaman na lamang umano niyang pinagtataga ang bata gamit ang isang itak at idineklarang dead on arrival sa Metro San Jose Medical Center.

Ayon sa report ng Mataas na Kahoy police, nangyari ang insidente sa loob ng tinutuluyang apartment ng mag-anak sa Barangay 2A.

Alas-tres nang hapon nang maiwan ang mag-ina sa bahay matapos sumundo ng isang bata sa eskuwelahan ang bayaw nitong si Freynan Castillo na kasama nila sa tinitirahan.

Nasa trabaho naman ang tatay ng biktima at live-in partner ng suspek na si Sherwin na isang promodizer.

Nakakulong ngayon ang suspek sa Mataas na Kahoy police station custodial facility at sinampahan na rin ng kasong parricide.
Desidido naman ang tatay ng biktima na ituloy ang kaso. (Ronilo Dagos)