Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Inatake ng depresyon, jobless nagbigti

0 42

NAGPAKAMATAY sa pamamagitan ng pagbigti sa inuupahang apartment ang isang lalaki dahil sa dinaranas umanong depresyon sa Rosario, Cavite Sabado ng hapon.

Sa report, ayon na rin sa salaysay ng kapitbahay ng 33-anyos na binatang biktima, ala-1:30 kamakalawa ng hapon nang napansin nito na bukas ang likurang pintuan nang inuupahang apartment ng biktima kaya pinuntahan niya ito.

Nagulat na lamang ito nang mabungarang nakabitin na ang walang trabahong biktima sa kisame gamit ang isang tali.

Nabatid na ang biktima ay dumaranas umano ng depresyon na hinihinalang dahilan ng kanyang pagpapakamatay. (Gene Adsuara)

Leave A Reply

Your email address will not be published.