Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Inatake ng succubus sa pagtulog

0 114

Ni Rey T. Sibayan

Mga ka-Misteryo, inatake na ba kayo ng succubus at incubus sa inyong pagtulog?

Succubus ang tawag sa umano’y demonyong babae na gustong makipagtalik sa natutulog na taong lalaki, habang incubus naman ay ang male demon na gustong makipagtalik sa taong babae. Ayon sa mga sinaunang paniniwalang pang-relihiyon, ang paulit ulit na pakikipagtalik sa succubus at incubus ay maaaring magdulot ng sakit o kaya ay kamatayan sa kanilang biktima.

Yan ang ating paksa ngayon: “Basta may Misteryo, Alamin ang Totoo!”

Sobrang pagod sa trabaho si Michael ng Makati kaya’t madali siyang nakatulog pagkakain ng hapunan nang bigla siyang maalimpungatan ng madaling araw. Nasindak siya nang may nakapatong sa kanyang babae na hindi niya makita ang mukha.

Misteryo: “Teka linawin natin babae kamo ang nakapatong sayo. Hindi tao yan ha. Biro lang brod.”

Michael: “Hindi ho tao, spirit ho talaga siya hindi ko maaninag mukha niya. Natakot ako pagkagising ko.”

Misteryo: “Paano nagsimula ang lahat bago ka nagising?”

SM food to go Banner Ad

Michael: “Ganito po kasi nasa panaginip ako bisita daw ako sa isang lugar na hindi ko kabisado at may mga kaibigan daw ako doon. Tapos may biglang lumapit sa aking babae, maganda siya, seksi at naging ok kami hanggang sa pumasok kami sa isang silid.”

Misteryo: “Aha Mukhang x-rated na ata kasunod nyan Michael ha ha. So Anong nangyari?”

Michael: “Ayun dahil ok na kami kaya magtatalik na raw kami. Pero nagtaka ako bakit nagbago hitsura niya kaya nagpanic na ako. Hindi na siya yung nakilala kong babae. At malakas siya parang may gusto siyang gawin, parang gusto niya wag na ako makawala.”

Misteryo: “Anong ginawa mo? Pinilit mo bang makawala sa kanya? Nag-away ba kayo? Paano?”

Michael: “Nagpumiglas na ako pero malakas siya. Alam ko nasa panaginip ako kaya nag-pray ako. Nagising ako at kitang-kita ko may nakapatong sa akin babaeng walang mukha. Hindi pa rin ako makakilos kaya pinilit kong sumigaw hanggang sa makakilos na ako at bigla siyang nawala.”

Maraming teorya kung ano ang mga succubus at incubus, pero karaniwan sa mga inilapit sa aking kaso, mga engkanto ang karaniwang nanggagahasa sa panaginip.

Ang karanasan ni Michael ay maaari ding naranasan ng iba kaya mahalaga na magdasal bago matulog para sa proteksyon. Para sa inyong mga kuwentong kababalaghan mag-email sa misteryophilnet@gmail.com. Bisitahin ang www.reytsibayan.com at abante.com.ph.

Leave A Reply

Your email address will not be published.