Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Inawat ng dyowa sa alak, nag-suicide

0 189

MATAPOS pagbawalang uminom ng alak ng kanyang girlfriend, isang lalaki ang nagpakamatay sa pamamagitan ng pagbigti sa loob ng kanilang bahay sa Barangay San Guillermo, San Nicolas, Ilocos Norte, Linggo ng hapon.

Ayon kay San Nicolas Police Station (SNPS) deputy chief-of-police P/Lt. Godofredo Ribucayo, ika-4:30 ng hapon kamakalawa nang matagpuan ang bangkay ng 22-anyos na biktima na nakabitin gamit ang lubid na itinali sa kanyang leeg mula sa bubong ng kanilang bahay.

Sa imbestigasyon, sinabi ng pulisya, ayon na rin sa kuwento ng kinakasama nito, nakita niyang umiinom ng alak ang biktima inawat niya ito at pinagsabihang huwag nang maglasing.

Nagkaroon pa umano ng konting pagtatalo ang magdyowa kaya nagtungo ang biktima sa kanilang kapitbahay at pagbalik ay laking gulat niya nang matagpuang nakabigti na ang kinakasama. (Allan Bergonia)

Leave A Reply

Your email address will not be published.