Abante Tonite Interactive

Inaway ang anak, manugang dinedbol ng biyenan

509

Dahil sa pakikipag­talo sa misis, isang 24-anyos na magsasaka ang nasawi makaraang hatawin ng tubo sa ulo ng kanyang biyenan sa Brgy. Bantug, Guimba, Nueva Ecija.

Sa ulat na nakara­ting sa tanggapan ni P/Sr. Supt. Leon Victor Rosete, acting NE police director, nakilala ang biktima na si Rodolfo Pablo, 24, residente ng Brgy. Bantug, Guimba, Nueva Ecija.

Nabatid na noong Enero 9 ay nagkaroon ng pagtatalo si Pablo at asawang si Cecille Ramos Pablo, sa loob ng bahay ng biyenang si Marcelo Ramos, 69-anyos, biyudo.

Sa gitna ng awayan ay sumaklolo ang salarin sa anak at nagawang hatawin sa ulo ang manugang gamit ang tubong bakal at nawalan ng ulirat ang biktimang nadala sa Guimba Community Hospital.

Nitong Enero 18 ay binawian ng buhay ang biktima kaya kamakalawa lamang naghain ng kasong murder ang ina ng biktima na si Marivic Pablo Rosario, 47, residente ng Brgy. San Agustin, Victoria Tarlac laban sa salarin.

Tonite – Wendys Inhouse Ad