Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Inaway ang mudra, anak tinaga ni erpat

0 59

MALUBHANG nasugatan ang isang 22-anyos na binata matapos tagain sa leeg ng sariling ama sa Barangay Nilombot, Mapandan, Pangasinan noong Lunes ng hapon.

Ang biktima ay si Jerome Cendana, ng nasabing barangay at ang suspek ay ama nito na si Juanito Cendana, 60.

Ayon sa Mapandan Police Station (MPS), nangyari ang insidente alas-5:15 ng hapon sa loob ng bahay ng mga Cendana.

SM SuperKidsDay Banner Ad

Sa report, sinabi ng pulisya na ang biktima at ang kanyang nanay ay nakita ng suspek na nag-aaway kaya pumagitna ito.

Nang ayaw paawat ni Jerome, kumuha ng itak ang ama at tinaga sa leeg ang anak.

Agad na isinugod sa Mapandan Community Hospital ang biktima habang kusa namang sumuko ang ama sa MPS. (Allan Bergonia)

Leave A Reply

Your email address will not be published.