Abante Tonite Interactive

Inaway ni misis, mister nag-suicide

0 217

Naglasing muna bago nagbigti ang isang 37-anyos na lalaki matapos pagbintangan ng kanyang misis na may ibang babae kahapon sa Tondo, Maynila.

Sa imbestigasyon ni PSSgt. Niño Baladjay, ng Manila Police District-homicide section, ang biktima ay si Christopher, ng Parola Compound sakop ng Tondo.

Natagpuan itong nakabigti gamit ang isang nylon cord alas-7:45 nang umaga, ng kanyang misis na si Analyn.

Huli umanong nakitang buhay ang biktima alas-12:00 nang hatinggabi matapos makipag-inuman sa ilang kapitbahay.

Ayon sa misis ng biktima, bago natagpuang patay ang kabiyak ay nagtalo sila ng kanyang mister dahil sa umano’y pambabae nito.

Nabatid na wala namang direktang inamin ang misis ng biktima na may kerida ang mister.

Hinihinalang naburyong ang biktima sa pagseselos ng kanyang misis kaya ito nagbigti. (Juliet de Loza-Cudia)