Abante Tonite Interactive

Inaway ni misis, sinunog ang sarili

674

Patay ang isang 40-anyos na lalaki makaraang buhusan ng krudo saka sinilaban ang sariling bahay nito matapos ang kanilang pag-aaway ng kanyang asawa sa Calamba, Laguna Martes ng mada­ling-araw.

Base sa report ng Calamba City Police, nagkasagutan hanggang sa magsapakan­ ang biktima at ang kanyang asawa sa loob ng kanilang bahay dakong alas-2:30 nang madaling-araw.

Sadyang hindi na pinangalanan ng Abante Tonite ang mag-asawa.

Matapos mag-away, lumabas umano ang biktima saka binuhusan ng tinitinda nilang krudo ang kanilang bahay bago kumuha ng lighter at papel at sinindihan ito.

Nang maglagablab na ang bahay ay pumasok ito sa loob.

Tumagal lamang ng sampung minuto ang sunog bago naapula ng mga rumespondeng bumbero.

Natagpuan sa natupok na bahagi ng bahay ang sunog na katawan ng biktima. (Ronilo Dagos)