Abante Tonite
Mabilis sa Balita

INC kontra sa ABS-CBN franchise renewal

0 402

Tinutukuran umano ng maimpluwensyang Iglesia ni Cristo (INC) ang pagla-lobby para harangan ang renewal ng legislative franchise ng broadcast giant ABS-CBN sa Kongreso.

Nalaman ng TONITE na naki­pagpulong umano ang mga matataas na opis­yal ng INC sa mga lider ng Kamara de Representante upang iparating ang kanilang matinding pagtutol na maaprubahan ang 10 pending bill na humihiling na bigyan ng bagong 25 taon prangkisa ang ABS-CBN para makapag-operate muli.

Kilala ang INC sa ipluwensya ng kanilang ‘bloc voting’. Haharangan umano nila ang renewal sa prangkisa ng broadcast giant na pag-aari ng mga Lopez dahil sa umano’y paninira nito sa pangalan at reputasyon ng kanilang lapian.

Hindi umano kinalugod ng INC ang ginawang coverage ng Kapamilya network noong 2015 nang i-sensationalize ang iri­ngan noon nina INC executive minister Eduardo Manalo sa ina nitong si Cristina ‘Ka Tenny’ Manalo kasama ang nakababatang kapatid na si Felix Nathaniel ‘Ka Angel’ Manalo.

Leave A Reply

Your email address will not be published.