Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Inday nainsulto kay Vice

0 307

Nag-react ang komedyanteng si Inday Garutay kaugnay umano ng pag-okray na ginawa sa kanya nina Vice Ganda, Lassy Marquez at MC sa episode na “Sino ang Ihahalal ni Vice.”

Naging tampulan kasi ng katuwaan ang komedyante sa vlog ng It’s Showtime host.

Isa ito sa mga naging kandidato kasama sina Anton Diva at Janelle Jamer sa pinagpilian nilang komedyanteng para sa kanila ay hindi nakakatawa.

Sa nominasyon, ang napili nilang ilaglag ay si Inday Garutay.

Dahil feeling niya ay nainsulto siya, rumesbak naman si Inday sa kampo ni Vice sa kanyang Facebook account.

Aniya:”To Vice Ganda and your gargoyles, ipagpapasaDiyos ko na lang ang pang-iinsulto n’yo sa akin. Just fear the prayer of the oppressed.”

Burado na naman ngayon sa kanyang FB account ang naturang post. Pina-delete daw ng kanyang manager dahil mas matalino raw si Inday kesa sa kanila.

Bukas naman ang pitak na ito sa panig ni Vice ukol sa pangyayari.

Vicki ‘pinagdamot’ si Scarlet kay Hayden

May naging rebelasyon ang celebrity doctor na si Dra. Vicki Belo sa recent interview sa kanya sa isang vlog.

Aniya, noon pa raw wish niya na magkaroon ng tunay na Belo baby na masasabi niyang kanya maliban kina Quark at Crystal.

Ang mga anak kasi niya sa unang mister ay Henares ang ginagamit.

Kaya naman, with Scarlet, ang apelyido niya ang ginagamit nito lalo na sa mga legal na dokumento ng anak.

Sey pa niya, hiningi raw niya si Scarlet sa mister na si Hayden Kho at wala siyang balak na i-give up ito.

“Si Scarlet, hiningi ko yan kay Hayden. Yun ang siguro hindi alam ng mga tao na I told him, ‘Hayden, can I have a Belo baby?’ Di ba tawag ko sa inyo Belo baby but I don’t have a real Belo baby because my Quark and Crystal are Henares. Hayden and I were not married anyway when we had Scarlet so I said, ‘Can I please have a Belo baby?” kuwento niya.

Dagdag pa niya, noong ikasal daw sila ni Hayden, nakiusap daw ang huli na baka puwede nang isunod si Scarlet sa apelyido niya subalit tinanggihan daw niya ito.

“When we got married, sabi ni Hayden, ‘Pwede na bang Kho na ‘to si Scarlet?’ so sabi ko, ‘Hindi. Sabi mo sakin Belo baby so Belo baby forever.’ Si Scarlet na mismo naglalagay ng Belo-Kho pero of course, in the birth certificate and in everything, it’s Belo,” lahad niya.

Leave A Reply

Your email address will not be published.