Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Inday Sara bitbit ng INC

0 72

Susuportahan umano ng Iglesia Ni Cristo (INC) ang kandidatura ni Davao City Mayor Sara Duterte-Carpio para sa pagka-bise presidente sa darating na halalan sa Mayo 9.

Base sa ulat ng online news site na Politiko, lumabas ang naturang impormasyon isang linggo na lamang bago ang botohan.

Inaasahang maglalabas umano ng anunsiyo ang pamunuan ng INC tungkol sa mga kandidatong kanilang susuportahan sa lalong madaling panahyon.

Samantala, bukod kay Mayor Sara, pasok umano sa mga susuportahang kandidato sa pagka-senador ng INC ang actor star na si Robin Padilla at dating Philippine National Police (PNP) chief Guillermo Eleazar.

Ayon sa ulat ng Politiko, nasa listahan din ang mga reelectionist na sina Senador Migz Zubiri, Joel Villanueva, at Sherwin Gatchalian, Sorsogon Gov. Francis Escudero, Antique Rep. Loren Legarda, dating public works secretary Mark Villar, Taguig Rep. Alan Peter Cayetano, dating vice president Jejomar Binay, at ang magkapatid na dating senador JV Ejercito at Jinggoy Estrada.

Karaniwang humihingi ng basbas ang mga kandidato sa liderato ng INC.

Ayon sa mga ulat, umaabot sa dalawang milyon ang mga botanteng miyembro ng INC na malaking bentahe lalo na sa mga tumatakbo sa pagka-senador. (Sherrylou Nemis/Billy Begas)

Leave A Reply

Your email address will not be published.