Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Inday Sara kasado sa DepED

0 61

Inanunsiyo kagabi ni Presidential frontrunner Ferdinand Marcos Jr. na ang tandem nitong si vice presidential-elect Sara Duterte ang itatalaga niyang kalihim ng Department of Education (DepEd).

“Our incoming Vice President has agreed to take the brief of Department of Education,” sabi ni Marcos.

Ayon kay Marcos tinanong nito si Duterte kung kaya niya ang trabaho at “nag-agree naman siya at palagay ko kasama na diyan dahil she’s a mother she wants to make sure that her children are well trained, and well educated and that’s the best motivation that we can hope for.”

Sa pagpili ng miyembro ng susunod na admi­nistrasyon, sinabi ni Marcos na tinitignan nito ang kakayanan at kahandaan na magtrabaho.

“So we have removed, in our discussions we remove immediately what the political leanings have been. Kung lumaban ba sa atin, kung sumama ba sa atin that’s not going to be part of the discussion,” dagdag pa ni Marcos.

Ginagabayan din umano si Marcos ng 31 milyong­ botante na tumugon sa kanyang panawagan na magkaisa.

“I will continue to work for a government, an administration that gives voice to everyone who wants to help,” sabi pa ni Marcos.

Nauna nang sinabi ng tagapagsalita ang chief of staff ni Marcos na si Atty. Vic Rodriguez hindi pa nila tinatalakay kung sino ang mga kukunin gabinete pero may mga target na si Marcos. (Billy Begas)

Leave A Reply

Your email address will not be published.