Abante Tonite Interactive

Inday Sara naglambing kay Willie

1,803

Pag-ibig, pagmamahal, pagmamalasakit sa bawat Filipino, iyan ang mga salitang mababasa sa isang bidyong walang dudang magiging viral.

Bakit kaniyo? Ang bida lang naman kasi sa bidyo, si Davao Mayor at presidential daughter Sara Duterte-Carpio at Wowowin ­superstar host Willie Revillame.

Dramatic ang bidyo, in slow motion pa ang chronicled tagpuan at usapan nina Mayor Sara at Wil, with matching musical scoring na pangmalakasan.

Kung ano man ang kanilang pinag-usapan, walang audio na maririnig. Kung ano ang dahilan kung bakit may official visit si Revillame sa opisina ni Inday Sara, sila lang ang nakakaalam. Mahirap mag-speculate.

Ang sigurado lang ako, when Inday Sara makes lambing,­ marami ang nakikinig at sumusunod. Maski itanong niyo pa sa mga nilambing niya sa Kapulungan ng mga Kinatawan. Hindi ba’t mayorya ang masaya ang pagtanggap sa kanyang lambing, ayan na nga, House Speaker­ na si Gloria Macapagal-Arroyo.

Ang superstar host kaya, pagbibigyan ang kung anuman ang inilambing ni Inday Sara? Meet and greet ba ito? Exploratory conversation na ang be all and end all ay politika? O fan si Sara ni ­Revillame kaya gusto niyang makilala, up close and personal,­ ang host na marami ang nagmamahal­ at tagaha­nga?

Will we see Willie for Senador soon? Will we witness Willie for Mayor? Or, will we all be ­getting the surprise of our lives with a Sara-Willie, for president and VP in the oh so nearest future?

Kaabang-abang? Kahikab-hikab? O takot ako, eh?