Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Inday Sara nakiramay sa nag-suicide na supporter

0 89

Sinuklian at pinaramdam ni presumptive vice president Sara Duterte ang pagdamay nito sa naulilang pamilya ng kanyang supporter nang isama nito sa kanyang iskedyul ang pagdalo nito sa lamay sa Antique.

Napag-alamang si Duterte ay pupunta umano sa burol ng isa niyang supporter na napaulat na nagpakamatay matapos na ma-bully dahil sa kanyang napiling kandidato sa katatapos na halalan.

“She had earlier set a visit to the wake of a supporter in Antique who was depressed and bullied because of his political preferences and eventually committed suicide,” saad ni Liloan, Cebu Mayor Christina Frasco, spokesperson ni Duterte.

“Inday Sara also has meetings in Antique and Iloilo,” dugtong pa nito kung saan pipilitin din umano ni Sara na makadalo sa proklamasyon ng mga nanalo sa katatapos na halalan.

Leave A Reply

Your email address will not be published.