Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Inday Sara: Pagka-pangulo hindi para sa akin

0 131

Muling `dinurog’ ni Davao City Mayor Sara Duterte-Carpio ang pag-asa ng kanyang mga tagasuporta matapos sabihing hindi para sa mga babaeng katulad niya ang pagka-pangulo.

Ani Mayor Sara, hindi para sa kanya ang pagka-pangulo dahil una na aniyang sinabi ng kanyang ama na hindi trabaho ng babae ang pagiging presidente.

“President [Rodrigo] Duterte said that the presidency is not a woman’s job so particularly [it’s] not for me. So if he decided to run for vice president, let’s not expect that he will get me as his running mate,” sabi ng alkalde.

Samantala, kinumpirma ni Mayor Sara na marami ang nagpakita ng interes na maging running mate niya kung sakaling sasabak siya sa presidential election sa 2022.

Binanggit din ng alkalde na wala siyang planong sumanib sa PDP-Laban at mananatili siya sa Hugpong ng Pagbabago. (Issa Santiago/PNA)

Leave A Reply

Your email address will not be published.