Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Inday Sara palaban kahit walang VP

0 6

Posibleng tumakbo umano si Davao City Mayor Sara Duterte-Carpio sa 2022 presidential election na walang running mate o kandidato sa pagka-bise presidente.

Batay umano sa source ng online news site Politiko (politics.com.ph), sakaling ilarga umano ni Mayor Sara ang kanyang kandidatura sa kabila ng mga payo ni Pangulong Rodrigo Duterte na huwag siyang tumakbo, ay wala umano itong pipiliing running mate.

“The more the merrier…each potential VP endorsement will only help propel her run for president because each of them have their own bailiwicks,” sabi ng source.

SM food to go Banner Ad

Ginawang halimbawa ng source noong 2016 election kung dala-dalawa pa umano ang running mate ni Pangulong Duterte, kabilang dito sina dating Speaker Alan Peter Cayetano at dating senador Ferdinand `Bongbong’ Marcos Jr.

Mukhang gumana umano ang nasabing estratehiya dahil nakatulong sina Cayetano at Marcos na makakuha ng boto si Pangulong Duterte sa Metro Manila at Luzon.

Sa ngayon ay limang politiko ang nagnanais umanong maging running mate ni Mayor Sara kapag tumakbo ito sa 2022. Kabilang dito sina Senador Sonny Angara at Sherwin Gatchalian, dating Defense Secretary Gilbert `Gibo’ Teodoro, Albay Rep. Joey Salceda, at si Marcos.

Leave A Reply

Your email address will not be published.