Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Inday Sara, Pulong, Baste kinampanya ni Digong

0 57

Personal na ikinampanya ni Pangulong Rodrigo Duterte ang kanyang tatlong anak na kumakandidato para sa halalan ngayong Mayo 9.

Sa kanyang pagdalo sa miting de avance ng Hugpong ng Pagbabago sa Poblacion District, Davao City nitong Biyernes ng gabi, binanggit ng pangulo ang kanyang mga anak na kandidato sa iba’t ibang puwesto sa gobyerno.

“I came here to campaign for my son, and I would also like to include Congressman Duterte, and my daughter as well. She’s not here…by the grace of God, she will be your vice president,” wika ng pangulo.

Sinabi ni Pangulong Duterte sa mga Dabawenyo na kapag pinalad si Mayor Sara Duterte-Carpio ay ito ang magiging bise presidente nila.

SM SuperKidsDay Banner Ad

Si Sebastian Duterte ay tumatakbo sa pagka-alkalde ng Davao City habang kandidato naman bilang kongresista si Paolo `Pulong’ Duterte.

Kasabay nito, nagpasalamat din si Pangulong Duterte sa mga Dabawenyo dahil sa suportang ibinigay sa kanya mula noong naging alkalde siya hanggang sa kanyang pagiging presidente.

Aniya, naging popular siya dahil sa suporta ng mga Dabawenyo at sila ang naging lakas niya kaya naging presidente ng bansa.

“It was because of the grace of God and the love of the people for me that I became president. I became popular because of you, the people of Davao. From the beginning, you were the driving force in my journey to become president in Malacañang,” sabi pa ng pangulo. (Aileen Taliping)

Leave A Reply

Your email address will not be published.