Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Inday Sara ratsada na sa `pangangampanya’

0 96

Inamin ng partidong Hugpong ng Pagbabago (HNP) na sinimulan na ni Davao City Mayor Sara Duterte-Carpio na pakiramdaman ang pulso ng taongbayan kaugnay sa posible niyang pagtakbo sa 2022 presidential election sa pamamagitan na rin ng pag-iikot sa mga probinsiya.

“For any candidate, napakaimportante na maramdaman ng isang kandidato ang reception ng bawat lugar na pinupuntahan niya…When she goes to a particular province, dun mo kasi matatantiya kung gusto ka ng tao,” ayon kay HNP secretary general at spokesperson Anthony Del Rosario sa isang virtual press conference.

SM food to go Banner Ad

Kasama aniya rito ang pag-iikot sa ilang probinsya katulad ng pagtungo ni Duterte sa Cebu City noong isang araw at kahapon ay dumalaw naman ito sa Zamboanga City.

Maging ang konsultasyon umano sa mga political alliance at alyadong mga organisasyon ay unti-unti na ring sinimulan ng alkalde. (Eralyn Prado)

Leave A Reply

Your email address will not be published.