Abante Tonite Interactive

Independence ng lehislatura, burado na

304

Joel Reyes Zobel

Meron po tayong tatlong sangay ng gobyerno. Ang bawat isa ay unique at merong magkakaibang papel na ginagampanan. Ito ay ang executive branch sa pa­ngunguna ng pangulo ng bansa. Nasasakupan niya ang mga gobernador at mayor at iba pang executive positions. Sila ang nagpapatupad ng mga batas sa bansa. Sila rin ang nagtitiyak na naihahatid ng tama ang serbisyo ng pamahalaan. Ang ikalawa, ang judiciary, na pinangungunahan ng chief justice ng Korte Suprema. Sakop nito ang lahat ng mga justice ng Court of Appeals pababa sa mga RTC at MTC. Sila ang nag-i-interpret ng mga batas sa bansa.

Sila rin ang nagsisilbing tagaawat, tagasita sa executive branch pag nakitaan ito ng pagmamalabis sa tungkulin. Ang pa­ngatlo ay ang legislative branch na binubuo ng kongresista’t senador. Sila ang gumagawa ng batas na, pinapatupad ng ehekutibo at ini-interpret ng hudikatura. Kaya walang pakialamanan ang mga sangay na ‘yan ng pamahalaan. They should, and must be viewed as INDEPENDENT from each other.

Abante Hiring – IT dep

Nagbitaw si Pangulong Rodrigo Duterte na sakaling tatakbo sa pagiging speaker ang kanyang anak na si Paolo, siya daw ay magbibitiw bilang pangulo ng bansa dahil marami na raw silang Duterte sa gobyerno. Pero si­yempre, ampaw na banta lang naman ng Pangulo ‘yan. Sa Ingles, empty threat. Hindi mo na alam kung tototohanin ni Duterte ang banta dahil na rin sa kanyang demonstrated ability na hindi pagtupad sa kanyang mga pangako sa mga nakalipas na panahon. Hindi ko na ho kailangan pang isa-isahin ang mga iyan. Si Bong Go na lang ata ang naniniwala na tutuparin ni Presidente ‘yan. Pati nga si Panelo ay naniniwala na magbabago ang banta ng Pangulo.

Ang mas malaking issue dito ay ang pagiging independiyente dapat ang Kongreso mula sa Ehekutibo. ‘Yan ang isyung nalalagay sa kata­yan sa pagpasok ni Paolo Duterte sa speakership race at ang mataas na posibilidad na mahalal itong pinuno ng Kamara de Representantes. Bagama’t matagal nang paniwala na ang Mababang Kapulungan ay rubber stamp o sunod-sunuran lamang sa Ehekutibo na pinalala ng panahon ni Gloria Arroyo, naisalin kay Noynoy Aquino, hanggang sa kasalukuyang rehimen ganito pa rin ang takbo. Kanya-kanyang sipsipan sa nakaupong pangulo. If there is any tiny semblance of independence ng Kongreso, mabubura na ‘yan ng tuluyan sa pagpasok ni Polong. We don’t expect much from the House. They wouldn’t be called Lo­wer House for nothing. Gutter politics po talaga diyan. Pusaling politika.
Ganyan ang democracy. All the crazy things, lahat ng mga bagay na hindi mo inaasahang mangyayari ay nangyayari sa isang demokrasya.