Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Indian basag ulo sa motorsiklo

0 352

Nasawi ang isang Indian national na nagmamaneho ng motorsiklo at walang suot na helmet nang maaksidente sa sa Pantoc 1, Brgy. Daan Sarile, Cabanatuan City noong Biyernes.

Sa ulat ng pulisya, namatay si Gurtek Singh Handa, 38, habang binabagtas ang nasabing lugar alas-9:05 ng gabi. Bukod sa walang helmet, ay tila nakainom din diumano ito.

Nakasalubong umano nito ang closed van na minamaneho ni Armando Reyes Macabitas, 59, residente ng na nag-overtake sa isang cargo truck. Dahil dito, nadaplisan umano nito ang truck na hindi huminto, kaya’t sa pagkabig pakaliwa ay sumalpok ang paparating na motorsiklo ng Bumbay.

Sa lakas ng impact ay tumalsik ang biktima na nasawi noon din at nawasak ang motorsiklo nito. (Jojo De Guzman)

Leave A Reply

Your email address will not be published.